News

BUWAN NG WIKA 2026 | HULING LINGGO NG PAGDIRIWANG

Muling pinangunahan ng Sentro ng Wikang Filipino at Filipino Klab ang huling linggo ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yama...

August 24, 2026 SSU News

News · August 24, 2026

BUWAN NG WIKA 2026 | HULING LINGGO NG PAGDIRIWANG
123 total views, 60 views today

Muling pinangunahan ng Sentro ng Wikang Filipino at Filipino Klab ang huling linggo ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” kasabay ng isinagawang Flag Ceremony ngayong Agosto 24, 2026.

Sa huling linggo ng makabuluhang pagdiriwang, muling binigyang-halaga ang papel ng wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating kultura, pagkakakilanlan, at patuloy na pagkatuto, lalo na sa makabagong panahon ng teknolohiya at artificial intelligence.

Muli ring itinampok ang mga nagwagi sa patimpalak na Magandang Kasuotan para sa Lalaki at Babae, bilang pagkilala sa kanilang pagkamalikhain at pagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Kasabay nito, isinagawa rin ang pagdiriwang ng kaarawan ng mga dedikadong guro at kawani ng kolehiyo, na nagsilbing dagdag na pagkakataon upang ipagdiwang ang kanilang mahalagang ambag sa institusyon.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito, lalo na sa mga tagapangasiwa ng aktibidad mula sa Sentro ng Wikang Filipino at Filipino Klab, sa pangunguna ni Ginang Alnadzma U. Tulawie, gayundin sa Pangulo ng institusyon, Prof. Charisma S. Ututalum, CESE, sa patuloy na pagsuporta sa mga programang nagtataguyod sa wika, kultura, at pagkakakilanlan ng pamayanan ng pamantasan.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang, patuloy nating isabuhay at ipagmalaki ang ating wika—sapagkat ang wikang Filipino ay hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon, kundi tulay sa kultura, kaalaman, pagkakaisa, at paghubog ng ating kinabukasan.

Mabuhay ang Wikang Filipino!

Latest University News